INGREDIENTS:
1 buong manok
2 cups pineapple juice
1/4 cup toyo (soy sauce)
1 teaspoon paminta (pepper)
Mantika pamprito(coconut oil)
1 medium onion
5 butil ng bawang
2 tablespoon oyster sauce
Asin at kaunting asukal pampalasa
1 can pineapple slices or pineapple chunks
PROCEDURE:
Sa isang bowl, mix ang pineapple juice, toyo, at paminta. Saka ilubog ang manok at i-marinade for at least 1 hour.
Magpainit ng mantika. alisin ang manok sa marinade at iprito ito ng bahagya. Bali-baliktarin para mabrown ang lahat ng sides.
Pag brown na, set aside.
Saka igisa ang sibuyas at bawang. Ibalik ang manok saka ilagay ang marinade o yung pinagbabaran ng manok. llagay na rin ang oyster sauce. Pakuluin at lutuin ito ng 40 to 50 minutes gamit ang medium heat. Bali-baliktarin habang niluluto para pantay ang pagkaluto niya.
After 45 minutes, tikman ang sauce. Lagyan ng kaunting asin at asukal depende sa panlasa mo. Saka ilagay na ang pineapple rings or chunks. Lutuin pa ng ilang minuto habang binubuhusan ng sauce (basting) ang manok para maganda at pantay ang kulay. Pag malapot na ang sauce, okay na ito.
Enjoy ❤